Transcript: Duterte-Robredo supporters on OKS sa DWBL 1242kHz Radio station

Last April 9, 2018, me and some members of the Dubredo Army • Duterte-Robredo visited the DWBL 1242kHz radio station in Paragon Plaza for an interview with Teddy Pereña.

[WATCH: Dubredo Army radio interview at OKS sa DWBL 1242kHz, April 9.]

Below is the transcript of my main interview speaking as the founder of Dubredo Army.


Teddy: Okay balik na po tayo sa OKS radio. Oras ng Kaalaman at Saya. Ka Teddy Pereña kasama si Jessie Uy at ang mga panauhin natin.

Teddy: Okay ito na Jessie, masarap ang talakayan natin ngayon. At ang aming gusto ipakilala sainyo ay ang founder ng Dubredo Army yung Dubredo po ay pinagsama na Duterte and Robredo ang aking tinutukoy ay si Jam Ong, magandang hapon sa’yo Jam.

Jam: Ayan, magandang um– tanghali, hapon? Hapon na.

Teddy: Relax ka lang.

Jam: Ayan, magandang hapon sa lahat ng nakikinig po at sa mga,

Teddy: Banggitin mo rin yung mga kasamahan mo, siguro isa isa tatawagan natin sila mamaya.

Jam: Actually kasama natin sa studio yung ibang member ng Dubredo Army. Ayan, very active yan sa social media. Yung mga nakikita niyong positive na balita tungkol sa ating pangulo at bise, yan, sila yung mga nagpopost lagi.

Teddy: Pakilala mo na isa isa.

Jam: Papakilala natin si Camille,

Teddy: Taas lang ang kamay mo. Di nakikita yan kase yung camera. Harap ka na muna doon.

Jam: Si Nadine,

Teddy: Si Nadine o si Din Din.

Jam: si Dindin. Pwede niyo siya tawaging ate Dindin, yes. Very approachable naman ang ating mga members tsaka ang pinakahuli sa lahat, yung pinakapaborito nating member, si Vida.

Teddy: si Vida, oo. Yan ang bida natin mamaya.

HISTORY OF DUBREDO ARMY

Teddy: Okay, ang una nating katanungan, Jessie, kay Jam, papano mo naisipan itong buoin at kailan, yung Dubredo Army?

Jam: Yung Dubredo Army binuo ko siya out of random lang. Hindi ko siya pinlano na magiging ganito, parang gumawa lang ako sa Twitter nung account ng Dubredo Army, parang ‘army’ in defense sa ating nanalo.

Teddy: Ah, okay.

Jam: Kase malamang may mga galit jan.

Teddy: Hindi air force?

Jam: Hindi naman.

Teddy: Hindi marines? Dubredo. Matapang daw ang marines. Anyway sige ituloy mo.

Jam: Ayun.

Teddy: Kailang formally nabuo?

Jam: Binuo ko siya, actually, after magkita ng pangulo at nung bise for the first time sa AFP change of command and then a day after,

Teddy: kaya army din dahil doon nag-abot.

Jam: Opo. Parang doon nga nabuo. Tapos ayan, nabuo na yung Twitter tapos parang hinayaan ko lang siya ng ilang linggo tapos nakita ko may mga nagfofollow na. Tapos ayan, dumami ng dumami yung followers hanggang sa may nabuo ng group chat. Tapos doon ko nakita ‘ay, marami pala.’

Teddy: So wala ka talagang core group na nag-usap muna kayo, wala?

Jam: Wala. Wala po.

Teddy: Talagang on social media.

Jam: Parang ano lang rin siya, nabuo siya out of destiny.

Teddy: Yan!

Jam: Kase alam niyo naman yung, alam niyo naman yung kay VP at pangulo, di naman dapat sila tatakbo dahil nung una ayaw naman talaga nila pero ayan, out of destiny, nanalo sila.

Teddy: So yung parehong walang plano kamo, yun ang napa-upo. Niluklok ng tao.

Jam: Opo

Teddy: Oh ikaw Jessie, ano ang gusto malaman sa Dubredo Army?

Jessie: Sige i-continue mo lang para marami pa akong malaman.

Teddy: So pagkatapos kailan kayo unang nag-meet na in person?

Jam: Well nung una po kase marami talaga kami. Hindi pa filtered as in merong mga Duterte lang, meron mga Leni lang na sumali.

Teddy: Ah, na hindi pa nila naintindihan.

Jam: Yung unang meet up sa, tama ba, sa office ni Vice President? Na parang courtesy call ng social media team. Yon very halo halo na.

Teddy: Parang April ano ba yon?

Jam: Parang September,

[inaudible Dubredo: September 4]

Jam: September 4.

Teddy: September

[inaudible Dubredo: Yung Davao bombing]

Jam: Oo, inispill niya, okay.

Teddy: Bago mag ano ito, bago mag-Angat Buhay launching.

Jam: Opo, wala pang Angat Buhay.

Teddy: Kase October yon e.

Jam: Opo. Ayan. Very general. Actually, wala ako non kase may pasok ako.

Teddy: Ah *laughs* Dahil studyante pa po si Jam.

Jam: Kaya ang sabi ko doon sa nga Dubredo, sige kayo muna ang makipagkilala kay VP. Pero nung time na yon hindi pa siya very solid. Parang pumunta sila sa office ni VP ng Leni supporters

Jessie: Ayun.

Teddy: Ah okay. So wala pang formal organization?

Jam: Wala pa. Though yung iba sakanila alam na Dubredo sila, yan sila [points to Dubredo members at the studio]

Teddy: Mga orig ba? Orig.

Jam: Opo.

Jessie: So marami ba kayo nung pumunta kayo doon? Mga ilan kayo?

Jam: Mga ilan ba yon?

[inaudible Dubredo: mga twenty five.]

Jam: Mga twenty.

Teddy: Uy marami.

Jam: Pero yung mga Dubredo doon mga six lang, (tama ba yon) mga ganon? Tapos ayun, nakita nila si VP tapos nagreport sila saakin.

Teddy: Reporting!

Jam: Pinuntahan nila ako doonsa lugar ko tapos doon kami nagmeeting, parang yun na yung unang pagkikita namin.

Teddy: Ayun. Tapos lumaki at lumago na.

Jam: Opo.

Teddy: Dahil bale magiisang taon kalaon, magdadalawang taon palang kayo noh?

Jam: Opo.

Teddy: Tama ano, ayan Jessie,

Jessie: Dapat pala sa September. Kung 17, 18, magone year palang, di ba?

Teddy: Hindi, 16 yung sinasabi niya.

Jam: 2016.

Jessie: Ah, 2016. Magto-two years.

Teddy: Mga July 2016 yung ginawa niyang Twitter post.

Jessie: Ah okay.

Teddy: So parang yun yung official na pangangak non,

Jam: Opo.

Teddy: Kaya nga love child (ni Duterte at Robredo) siya eh.

Jam: Oh.

*laughs*

Teddy: Alam mo ba istorya non?

Jessie: Hindi ko nga alam storya non eh.

Teddy: Mamaya na. Mamaya na.

Jam: Gusto ko po yan. Ikukwento natin yan.

*laughs*

Teddy: Kung paano nabuo. Pano nabuo.

Teddy: Pano nangyari yon?

Jessie: Muka naman siyang tisay talaga eh.

Teddy: Ganon ba yon? Kung sakali lang na magkaanak si VP tsaka si presidente eto ang kalalabasan talaga. Makikita niyo sa youtube.

Jessie: May hawig naman siya kay VP di ba?

Teddy: Hawig.

Jessie: May hawig naman siya kay VP di ba?

Teddy: Ay pero papayag ka rin may hawig ka kay presidente?

Jam: Pag-iisipan ko po.

*laughs*

Jam: Pero biro lang, mahal ko po yung pangulo.

Teddy: Oo naman. Mestiza rin si ano ha, si Inday Sara.

Jam: Si pangulo po mestizo din kapag nailawan.

*laughs*

Teddy: Ang ganda. Ang sarap mo maglambing kay pangulo.

*laughs*

Teddy: Ano pa? Ngayon meron kayong regular activities?

Jam: Ngayon po yung regular namin is yung Metrolaylayan talaga.

Teddy: Parati kayong kasam doon ano?

Jam: Opo, every month talaga.

Teddy: Oo tsaka parati kayong binabanggit eh. Di nalilimutan. Love na love talaga sila ni VP. Kase ako di ako nakakapunta, dalawa pa lang yata napuntahan ko. Nandon din kayo sa Pateros? Tama ba?

Jam: Navotas?

Teddy: Kase Caloocan lang ako tsaka Pateros eh. After Caloocan Pateros.

Jam: Ay parang wala kami sa Pateros.

Teddy: Parang wala kayo sa Pateros. Tapos doon sa iba kong namonitor sa Facebook live, nandon nga kayo madalas nga eh.

Jam: Opo.

Teddy: Navotas, noh? Parañaque nandon din kayo.

Jam: Opo.

Teddy: Oh kita mo? Nandun din eh. Malabon.

Jam: nagtatampo ho kase si bise pangulo kapag wala kami.

Teddy: Sabi ko na malakas, Jessie, eh.

Jam: Eh malakas rin ho siya (VP Leni) saamin (Dubredo Army).

Teddy: Ayun!

Jessie: Hindi, pero ang napapansin ko ang mga kabataan malapit talaga kay Leni. Karamihan ng kabataan. Kase sabihin na natin, kayo naman talaga ang pag-asa ng bayan natin, di ba?

Teddy: Yes, korek. Korek. Ano naman ang papel niyo kapag may metrolaylayan o ano muna yung metrolaylayan, baka hindi naintindihan ng ibang listeners tsaka viewers sa Youtube.

Jam: Yung metrolaylayan po kase under siya ng Angat Buhay. Pumupunta po yung vice president natin sa mga lugar na hindi naman usually naabot or nabibigyan ng tulong ng assistance ng gobyerno. Kaya si VP yung parang nag-organize or nag-hehead organize nung event. Yun yung tinatawag na metrolaylayan. Nagpoprovide sila ng legal assistance, medical mission ng libre lahat.

Teddy: Sa metro manila kaya metrolaylayan.

Jam: Opo.

Jessie: So nakasama na kayo doon?

Jam: Opo.

Teddy: Oo, ilang beses na yan. Ano nga ang papel na inassign sainyo doon?

Jam: Well, lately para kaming ginawang head volunteer kase kami yung parang nag-orient sa mga bagong volunteers last time. Kami yung nagsasabi kung anong gagawin nila sa mga bagong volunteers kapag sasali sila sa metrolaylayan, ganyan, tapos parang usher, mga usher, tapos mga nagsusupervise, tumutulong rin sa bawat station.

Teddy: Oo kase nga yung paliwanag mo na iba ibang parang tent yung nandoon, di ba? Dito may legal assistance, dito mag check up, di ba ganon?

Jam: Opo.

Jessie: So nakikita niyo kung gano kahirap yung mga Pilipino na kahit papano nakikita na natutulungan. Di ba ang sarap na pakiramdam na mga taong ganon kababa, tapos hindi sila nakikita tapos natutulungan niyo sila.

Jam: Opo. Atsaka yung maganda dito, si vice, alam mo yung hindi mo makikita na ginagawa niya ito for promotion ng sarili.

Jessie: Yun nga ang maganda kay VP eh. Nakakatouch.

Teddy: Hindi, sige sabihin mo kung ano ang patunay mo na ginagawa niya yon na hindi para sa publicity lang, publicidad.

Jam: Unang una po kase may mga nakakausap akong mga tao doon na mahihirap na kapag tinatanong ko ‘alam niyo po ba kung sino yung nagpagawa nitong event na ito?’ Hindi nila kilala. Pero syempre kung pulitiko ka na trapo ka di ba kailangan alam nila lahat. Nakapost.

Teddy: Kase bakit nga ganon? Kase ayaw nga ni VP na may streamer na nandoon yung pangalan niya o muka niya. Pinagbabawal niya kaya lang yung iba matitigas yung ulo naglalagay ng welcome.

Jam: Opo.

Teddy: Ni ayaw niya nga non eh. Di ba? Ang sabi niya ang ating objective dito ay makatulong hindi yung makilala na tumutulong.

Teddy: Tapos ang mahalagang tanong nga ngayon. Binoto niyo noon malamang si Duterte at Robredo pero naformalize yung org noong after na. Ngayon ba ngayon parin yung pananaw ninyo?

Jam: Ay opo. Mas tumatag pa siya actually.

Teddy: Ganon?! Wow.

Jam: Alam mo kase, nandiyan na siya. Nakikita mo na siya.

Teddy: Pero hindi niyo pa nakikita si pangulo kamo eh.

Jam: Well,

[Inaudible Dubredo: Sa malayo.]

*laughs*

Teddy: From a distance.

Jam: Sa malayo.

Teddy: Hindi, kase kay VP Leni up close eh. Nakayakap pa siya sainyo. Di ba ganon siya kalambing eh noh?

Jam: Very very sweet lady.

Teddy: Ito pa, Jessie, magandang tanong, pag may conflict yung dalawa, saan kayo pupwesto ngayon. Madalas yon nangyayari.

Jam: Well kung ako personally, tinitignan ko yung dalawang side pero kung magsasalita ako para sa Dubredo, usually kase ang Dubredo walang stand.

Teddy: Kung may conflict?

Jam: Ang ginagawa kase niyan, nilalay out ng Dubredo yung side nung isa tapos nilalay out ng Dubredo yung side ng kabila para yung mga taong nagbabasa, doon sila babase kung ano yung magiging stand nila.

Teddy: So pinresenta niyo yung dalawang panig, ganon ba?

Jam: Opo.

EXTRA JUDICIAL KILLINGS (EJK) ISSUE

Teddy: Oh halimbawa ah, sa EJK. Paano nailatag yon?

Jam: Well yung sa EJK, malawak kase yung topic.

Teddy: Oh i-ano natin, mas defined, ano bang, nagsalita mismo si VP Leni sa isang video na pinadala daw sa United Nations na kinainis nung mga fans ni presidente. So ayon, yung ganon.

Jam: Well, ako ah. Ayoko kase magsalita sa Dubredo kase very neutral. Yung saakin kase, I think it’s, para siyang bunga ng misunderstanding. Kase ang sabi ni VP humingi siya ng data sa PNP or PDEA?

Teddy: Korek. Korek. Pareho.

Jam: Pero hindi siya nireplyan.

Teddy: Oo.

Jam: Yun yung mali sa side nung doon sa administrasyon. Bakit hindi binigyan yung nangangailangan? Yung sa side naman ni VP, ang tingin ko namang mali doon is bakit nagsabi tayo ng data ng hindi naman pala galing sa authorized sa government. Sa tingin ko sana hindi nalang muna siya nagsalita kung wala pa pala siyang official data na galing sa government.

Teddy: Hindi, kase hindi rin ibig sabihin pag galing sa gobyerno yung data, ito yung tama. Kase marami pa siyang ibang sources. Di ba meron yung parang mga Misty International tsaka meron pang parang mga people’s organization tsaka siguro nga kung meron man siyang nakuha galing sa gobyerno, baka cinollate niya lang at cinompare niya siguro tsaka siya nagkaroon ng data na sinabi niya tapos doon siya napulaan nga ng mga nasa gobyerno kase parang negative yon sa administration di ba?

Jam: Pero yung sakin po kase ang tingin ko doon, sino ba yung gumagawa nung War on Drugs?

Teddy: Gobyerno.

Jam: Di ba sa gobyerno? So ang pinakacredible doon na magbibigay ng data is yung gobyerno din. So sana doon parin siya kumuha and kung wala siyang nakuha, sana hindi niya muna sinabi. Pero syempre,

Teddy: Sinabi mo ba sakanya yan?

Jam: Hindi ko pa nasasabi.

*laughs*

Jam: Pero ipapapanood natin ‘to sakanya.

*laughs*

Jam: Pero syempre yun yung mali sa side niya na tingin kong mali sa side niya.

Teddy: Pero ikaw pumapagitna ka.

Jam: Opo. Parang pareho silang may mali doon. Hindi ko pwedeng ‘ay tama si vice, ay tama si pangulo dito.’ Walang tama.


TACLOBAN TUHOD ISSUE

Teddy: Eto pa isa. Ito mas personal sakanilang dalawa. Yung pag-puna ni presidente sa tuhod ni VP. Oh ayon. Ito ha, sakanila mismo yan at particular.

Jam: Well ako ang tingin ko doon, ganon din, misunderstanding siya.

Teddy: Pano? Pano nangyari? Paliwanag. Paki-explain, Jam.

Jam: Ano bang uunahin ko? Yung mali or yung tama?

Teddy: Hindi, ikaw ikaw.

Jam: Tingin ko kase,

Teddy: Unang una, tama ba na punahin sa public yung tuhod nung vice president? In public, siguro okay yon Jam kung,

Jam: personal personal lang,

Teddy: Oo, kung kumakain tayo dito, magkakaibigan, niloko ko lang yung tuhod mo, di ba? Parang joke lang yon among friends, eh ito, in public eh.

Jam: Yung tingin ko kase yung pangulo natin hindi kase siya magaling magsalita na parang minsan hindi mo siya maintindihan.

Teddy: Sabihin mo parang may sarili siyang lengwahe?

Jam: Parang ganon? *laughs* minsan kase parang hindi mo siya maintindihan na minsan tumitigil siya sa gitna ng sentence niya na parang ‘ano yon??’

Teddy: Oo, korek. Korek. Pero ganon daw kase siya?

Jam: Ganon talaga siya. Ang tingin ko kase doon, pinanood ko kase yung video, ang sabi niya doon parang kinukwento niya, narrative na nakita niya na si ma’am Leni ang igsi igsi ng palda tas sabi niya ma’am mag-shorts ka nalang kaya? Ang tingin ko kase doon, sakin, hindi siya pambabastos?

Teddy: Biro.

Jam: Pero yon yung naging dating sa tao which is yun ang mali niya na sana mas naging maingat siya pero ang tingin ko kase doon is ang purpose niya is concerned siya sa vice president.

Teddy: na?

Jam: na ma’am wag ka mag maigsi. Kase ang kwento niya doon is binulong siya ng PSG,

Teddy: na?

Jam: na maigsi ang palda ni mam. Parang pinagbubulungan si VP. Tapos doon niya narealize na, ‘ay oo nga.’ Tapos doon niya sinabi na ‘ma’am magshorts ka nalang kaya?’ Ang igsi igsi, hatak ka ng hatak. Ganon ang pagkakaintindi ko.

Teddy: Ganon ang pagkakaintindi mo. Hindi, kase yan, yan yung event na dinaluhan nilang dalawa. Kase meron pa nung previous. Kung natatandaan mo meron isang cabinet meeting ganon na rin. Meron siyang isa pang kausap na cabinet member

Jam: Sonny Dominguez.

Teddy: Oo, kung si Sonny Dominguez nga yon, na pinag-usapan nga niya yung legs ni VP na nasabi siguro nila sa lahat nung nandoon sa meeting. Ano yon, kase parang hindi lang isang beses niya tinukoy eh.

Teddy: Sa tingin mo ba may crush si presidente kay VP?

Jessie: Nagandahan sa legs.

[Iaudible Dubredo *squeals*]

*laughs*

Teddy: hindi, crush nga. Crush.

Jam: Sasagutin ko po ba talaga yan?

Teddy: Oo. Walang malisya. Wala namang malisya.

Jam: Sasabihin ko po yung totoo, yes. Clear, yes.

Teddy: Sa tingin ko rin. Sa tingin ko rin. Kase hindi lalake siguro kung hindi hahanga kay VP.

Jam: Actually. Maski babae.

*laughs*

Jessie: Actually kapag nakita mo sa personal si VP Leni talagang magkakacrush ka talaga eh.

Jam: Very maganda.

Teddy: Oo. Hindi lang. Kahit sa TV lang eh.

Jessie: Pero mas lalo in person.

Teddy: Oo kase makikita ko yung warmth niya eh. Mafefeel mo yung—

Jam: Actually si Mocha Uson crush din niya si VP, hindi lang niya matanggap—

Teddy: Ganon?! Akala ko ang crush niya si ano, si

Jam: Napapanood ko yung video niyang live dati. Gandang ganda siya eh.

Teddy: Mm! Akala ko ang crush niya si Trillianes. Di ba nagpapicture pa siya?

Jam: Hindi alam ng mga tao yon.

Teddy: Oo. Ako ngayon ko lang rin nalaman dahil hindi ko nga finofollow yon. Di ko rin binabanggit pangalan non eh. Anyway, pero kasamahan namin sa UST yan na nabigyan ng award na binawi.

*laughs*

Teddy: Anyway, doon naman, sa tingin mo walang pagkukulang si VP Leni?

Jam: Ah, well ako kase napapansin ko si VP mahilig siya magpalda, di ba?

Teddy: Oo pero hindi maiikli yung palda niya. Talagang knee length lang.

Jam: Oo, pero—

Teddy: Kaso pag naupo, syempre pag knee length, pag naupo, tumataas.

Jam: Yon! Sabi ko, siguro ang pagkukulang ni VP doon, maging maingat siya kapag naka-palda siya pero actually nagiging maingat na naman siya, nagsca-scarf (shawl) na siya.


DUTERTE ON LENI

Teddy: Mm! Korek. Yung huli nga tama ka. Pero nakita mo yung tingin ni presidente?

[Inaudible Dubredo: *kinikilig*]

*laughs*

Teddy: Masaya. Masayang usapan, pero nakita mo yung—

Jessie: Uy sumusulyap siya noh?

Teddy: Hindi sulyap eh,

Jam: Kumikislap ang kanyang mga mata.

Teddy: Oo! Parang tinititigan niya ng matagal eh.

Teddy: Di talaga kase sakin, personal, kahit sino lalo na yung malapitan, di mo maiiwasang talagang hindi siya tignan. Ganon yung aura niya, parang kahanga hanga.

Jam: Atsaka ano siya, very respectable yung ganda niya,

Teddy: Oo, oo.

Jam: Hindi siya yung—

Teddy: Bastusin.

Jam: Mm, hindi yung bastusin.

Teddy: Tsaka maayos naman siya manamit. Hindi naman siya naglalagay nung,

Jam: sleeveless sleeveless.

Teddy: oo, nung sleeveless.

[Iaudible Dubredo: *laughs*]

Jessie: Kaya nga, pano napunta sa legs? Di ba maayos naman siya manamit?

Teddy: Oo nga kase yun lang ang makikita mong skin eh. yun lang ang makikita mong skin.

Jam: Siguro intindihin nalang natin na medyo na-hype ang pangulo,

*laughs*

Jam: Dahil sobrang ganda ng ating bise.

Jessie: Ayun. Baka yun yung dahilan.

Teddy: Pero ikaw ba nakita mo na yung legs?

Jam: Ay hindi ko siya naki– tinitignan.

Teddy: Sa muka lang.

Jam: Nasa muka lang.

Teddy: Hindi ka tumititig sa legs?

Jam: Hindi naman.

Teddy: Hindi ako nakita ko. Nakita ko at sinusulyapan ko rin pero talagang nasa ano lang nasa tuhod lang.

Jam: Nasa tama.

Teddy: Tamang length lang.

Jessie: Baka naman nagandahan lang talaga sa legs kaya pinansin lang niya siguro.

Jam: Minsan lang niya siguro makita yung mga ganon kaganda.

*laughs*

Jessie: Di kayo (ni Leni) nagpupunta kay president kase. Di siya nakakakita ng,

Jam: Kapag nagkita kami ni pangulo.

Teddy: Isama mo si ate Jessie mo.

Jessie: Ay pwede, sige.

Teddy: Okay babalik po ang atin usapan makalipas lang ang ilang saglit.

<END OF MY INTERVIEW>

The next part of the show was the other Duterte-Robredo supporter’s interview featuring Nadine of Dubredo Army. I’ll post the transcripts of the other part of the interview soon.


This is Dubredo Army’s first media participation since before, we, the core admins, decided not to accept interviews and invites until we’re all ready to answer and speak as we hold the name of the president and the vice president, we have to be really careful and wary.

Moreover, we finally agreed that we are all ready for any form of media participation so we gratefully accepted Mr. Teddy Pereña’s radio interview invite and we look forward to participate in more in aim to spread the good news about our beloved president and vice president. For contact and inquiries feel free to email us at: dubredoarmy@gmail.com

You may watch the whole interview here.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s