Tag Archives: DWBL

Transcript: Duterte-Robredo supporters on OKS sa DWBL 1242kHz Radio station

Last April 9, 2018, me and some members of the Dubredo Army • Duterte-Robredo visited the DWBL 1242kHz radio station in Paragon Plaza for an interview with Teddy Pereña.

[WATCH: Dubredo Army radio interview at OKS sa DWBL 1242kHz, April 9.]

Below is the transcript of my main interview speaking as the founder of Dubredo Army.


Teddy: Okay balik na po tayo sa OKS radio. Oras ng Kaalaman at Saya. Ka Teddy Pereña kasama si Jessie Uy at ang mga panauhin natin.

Teddy: Okay ito na Jessie, masarap ang talakayan natin ngayon. At ang aming gusto ipakilala sainyo ay ang founder ng Dubredo Army yung Dubredo po ay pinagsama na Duterte and Robredo ang aking tinutukoy ay si Jam Ong, magandang hapon sa’yo Jam.

Jam: Ayan, magandang um– tanghali, hapon? Hapon na.

Teddy: Relax ka lang.

Jam: Ayan, magandang hapon sa lahat ng nakikinig po at sa mga,

Teddy: Banggitin mo rin yung mga kasamahan mo, siguro isa isa tatawagan natin sila mamaya.

Jam: Actually kasama natin sa studio yung ibang member ng Dubredo Army. Ayan, very active yan sa social media. Yung mga nakikita niyong positive na balita tungkol sa ating pangulo at bise, yan, sila yung mga nagpopost lagi.

Teddy: Pakilala mo na isa isa.

Jam: Papakilala natin si Camille,

Teddy: Taas lang ang kamay mo. Di nakikita yan kase yung camera. Harap ka na muna doon.

Jam: Si Nadine,

Teddy: Si Nadine o si Din Din.

Jam: si Dindin. Pwede niyo siya tawaging ate Dindin, yes. Very approachable naman ang ating mga members tsaka ang pinakahuli sa lahat, yung pinakapaborito nating member, si Vida.

Teddy: si Vida, oo. Yan ang bida natin mamaya.

HISTORY OF DUBREDO ARMY

Teddy: Okay, ang una nating katanungan, Jessie, kay Jam, papano mo naisipan itong buoin at kailan, yung Dubredo Army?

Jam: Yung Dubredo Army binuo ko siya out of random lang. Hindi ko siya pinlano na magiging ganito, parang gumawa lang ako sa Twitter nung account ng Dubredo Army, parang ‘army’ in defense sa ating nanalo.

Teddy: Ah, okay.

Jam: Kase malamang may mga galit jan.

Teddy: Hindi air force?

Jam: Hindi naman.

Teddy: Hindi marines? Dubredo. Matapang daw ang marines. Anyway sige ituloy mo.

Jam: Ayun.

Teddy: Kailang formally nabuo?

Jam: Binuo ko siya, actually, after magkita ng pangulo at nung bise for the first time sa AFP change of command and then a day after,

Teddy: kaya army din dahil doon nag-abot.

Jam: Opo. Parang doon nga nabuo. Tapos ayan, nabuo na yung Twitter tapos parang hinayaan ko lang siya ng ilang linggo tapos nakita ko may mga nagfofollow na. Tapos ayan, dumami ng dumami yung followers hanggang sa may nabuo ng group chat. Tapos doon ko nakita ‘ay, marami pala.’

Teddy: So wala ka talagang core group na nag-usap muna kayo, wala?

Jam: Wala. Wala po.

Teddy: Talagang on social media.

Jam: Parang ano lang rin siya, nabuo siya out of destiny.

Teddy: Yan!

Jam: Kase alam niyo naman yung, alam niyo naman yung kay VP at pangulo, di naman dapat sila tatakbo dahil nung una ayaw naman talaga nila pero ayan, out of destiny, nanalo sila.

Teddy: So yung parehong walang plano kamo, yun ang napa-upo. Niluklok ng tao.

Jam: Opo

Teddy: Oh ikaw Jessie, ano ang gusto malaman sa Dubredo Army?

Jessie: Sige i-continue mo lang para marami pa akong malaman.

Teddy: So pagkatapos kailan kayo unang nag-meet na in person?

Jam: Well nung una po kase marami talaga kami. Hindi pa filtered as in merong mga Duterte lang, meron mga Leni lang na sumali.

Teddy: Ah, na hindi pa nila naintindihan.

Jam: Yung unang meet up sa, tama ba, sa office ni Vice President? Na parang courtesy call ng social media team. Yon very halo halo na.

Teddy: Parang April ano ba yon?

Jam: Parang September,

[inaudible Dubredo: September 4]

Jam: September 4.

Teddy: September

[inaudible Dubredo: Yung Davao bombing]

Jam: Oo, inispill niya, okay.

Teddy: Bago mag ano ito, bago mag-Angat Buhay launching.

Jam: Opo, wala pang Angat Buhay.

Teddy: Kase October yon e.

Jam: Opo. Ayan. Very general. Actually, wala ako non kase may pasok ako.

Teddy: Ah *laughs* Dahil studyante pa po si Jam.

Jam: Kaya ang sabi ko doon sa nga Dubredo, sige kayo muna ang makipagkilala kay VP. Pero nung time na yon hindi pa siya very solid. Parang pumunta sila sa office ni VP ng Leni supporters

Jessie: Ayun.

Teddy: Ah okay. So wala pang formal organization?

Jam: Wala pa. Though yung iba sakanila alam na Dubredo sila, yan sila [points to Dubredo members at the studio]

Teddy: Mga orig ba? Orig.

Jam: Opo.

Jessie: So marami ba kayo nung pumunta kayo doon? Mga ilan kayo?

Jam: Mga ilan ba yon?

[inaudible Dubredo: mga twenty five.]

Jam: Mga twenty.

Teddy: Uy marami.

Jam: Pero yung mga Dubredo doon mga six lang, (tama ba yon) mga ganon? Tapos ayun, nakita nila si VP tapos nagreport sila saakin.

Teddy: Reporting!

Jam: Pinuntahan nila ako doonsa lugar ko tapos doon kami nagmeeting, parang yun na yung unang pagkikita namin.

Teddy: Ayun. Tapos lumaki at lumago na.

Jam: Opo.

Teddy: Dahil bale magiisang taon kalaon, magdadalawang taon palang kayo noh?

Jam: Opo.

Teddy: Tama ano, ayan Jessie,

Jessie: Dapat pala sa September. Kung 17, 18, magone year palang, di ba?

Teddy: Hindi, 16 yung sinasabi niya.

Jam: 2016.

Jessie: Ah, 2016. Magto-two years.

Teddy: Mga July 2016 yung ginawa niyang Twitter post.

Jessie: Ah okay.

Teddy: So parang yun yung official na pangangak non,

Jam: Opo.

Teddy: Kaya nga love child (ni Duterte at Robredo) siya eh.

Jam: Oh.

*laughs*

Teddy: Alam mo ba istorya non?

Continue reading Transcript: Duterte-Robredo supporters on OKS sa DWBL 1242kHz Radio station

Advertisements